Biyernes, Oktubre 16, 2015

Rizal Bits

HIKAHOS


IF RIZAL RETRACTED HE WOULD NOT HAVE BEEN EXECUTED. BUT HE WAS EXECUTED, THEREFORE, RIZAL DID NOT RETRACT.

Rizal's life was not always grand and perfect tho. Arte ko no.? Ako kasi personally, nahihirapang isipin at paniwalaan kung ano ba talaga? Genuine or Forged? Sa dinami dami ng mga bersyon ng liham ng retraksyon alin nga ba ang totoo at sino ang nagsasabi ng totoo. May mga nagsasabi na di umano'y pinirmahan ni Pepe ang liham sa Fort Santiago habang hinihintay ang kanyang natitirang oras.

Heto at ating balikang muli ang Salin sa English Version ng nasabing liham.

“I declare myself a Catholic and in this religion in I retract with all my heart whatever in my words,writings, publications and conduct has been contrary to my quality as a son of the Catholic Church.
I believe and profess whatever she teaches and I submit myself to whatever she commands. I abominate Masonry, as the enemy that it is of the "
Church, and as a Society prohibited by the Church. The Diocesan Prelate can, as the Superior Ecclesiastical authority, make public this spontaneous manifestation of mine in order to repair the scandals the my acts have caused and so that God and the people may pardon me.” Whether the story is true or false is one of the biggest controversies in Rizal's life. Many believe that this was an attempt to kill the revolution by crippling the beliefs of the Filipinos."

Sa aking pananaliksik, pawang panlilito lamang ang aking napapansin. Sa kasalukuyan ay mananatili ang katanungang ito. Hayst. Kelan matutuldukan ang kontrobersiyang ito?

The evidence from the shoe disappeared, the testimonies of the witnesses were doubted.
Finally, a simple logical argument may be advanced. IF RIZAL RETRACTED HE WOULD NOT HAVE BEEN EXECUTED. BUT HE WAS EXECUTED, THEREFORE, RIZAL DID NOT RETRACT. He would have been given an example for the cause of the friars; he would have been given a decent Christian burial, not buried like a dead dog outside Paco Cemetery.


PAHIMAKAS
batay sa Mr. Suave ng Calamba



Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.

Inilahad din ni Josephine ang isang umanong regalo ni Rizal sa kanya sa kanilang kasal. Ang naturang handog ay isang aklat ni Kempis na nagtataglay ng mga sumusunod na kataga: “ To my dear and unhappy wife, Josephine, 30th December 1896…” Binigyang-diin din nito na ang huling hiling sa kanya ng bayani ay ayusin ang bangkay at libingan nito na siya ring inihabilin ni Rizal sa kanyang kapatid na si Trining. Sinabi rin nito na may iniwan na liham sa kanya si Rizal na matatagpuan sa piitan nito sa loob ng lampara at sa sapatos ng huli. Ang naturang liham ay ang Mi Ultimo Adios na ayon kay Josephine ay ang huling habilin at mensahe sa kanya ng kanyang kabiyak.


"Mi Ultimo Adios" 
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, 
Lupang iniirog ng sikat ng araw, 
mutyang mahalaga sa dagat Silangan, 
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. 
Masayang sa iyo'y aking idudulot 
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; 
maging maringal man at labis alindog 
sa kagalingan mo ay aking ding handog. 
Sa pakikidigma at pamimiyapis 
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, 
walang agam-agam, maluag sa dibdib, 
matamis sa puso at di ikahapis. 
Saan man mautas ay dikailangan, 
cipres o laurel, lirio ma'y patungan 
pakikipaghamok, at ang bibitayan, 
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. 
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas 
na sa silinganan ay namamanaag 
yaong maligayang araw na sisikat 
sa likod ng luksang nagtabing na ulap. 
Ang kulay na pula kung kinakailangan 
na maitina sa iyong liway-way, 
dugo ko'y isabong at siyang ikinang 
ng kislap ng iyong maningning na ilaw 
Ang aking adhika sapul magkaisip 
ng kasalukuyang bata pang maliit, 
ay ang tanghaling ka at minsan masilip 
sa dagat Silangan hiyas na marikit. 
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, 
taas na ang noo't walang kapootan, 
walang bakas kunot ng kapighatian 
gabahid man dungis niyong kahihiyan. 
Sa kabuhayang ko ang laging gunita 
maningas na aking ninanasa-nasa 
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa 
hingang papanaw ngayong biglang-bigla. 
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla. 
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang 
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, 
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang 
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan. 
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas 
sa malagong damo mahinhing bulaklak, 
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat, 
sa kaluluwa ko hatik ay igawad. 
At sa aking noo nawa'y iparamdam, 
sa lamig ng lupa ng aking libingan, 
ang init ng iyong paghingang dalisay 
at simoy ng iyong paggiliw na tunay. 
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig 
ang iwanag niyang lamlam at tahimik, 
liwayway bayaang sa aki'y ihatid 
magalaw na sinag at hanging hagibis. 
Kung sakasakaling bumabang humantong 
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon 
doon ay bayaan humuning hinahon 
at dalitin niya payapang panahon. 
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw 
ula'y pasingawin noong kainitan, 
magbalik sa langit ng boong dalisay 
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. 
Bayaang sino man sa katotang giliw 
tangisang maagang sa buhay pagkitil; 
kung tungkol sa akin ay may manalangin 
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing. 
Idalanging lahat yaong nangamatay, 
mangagatiis hirap na walang kapantay; 
mga ina naming walang kapalaran 
na inihihibik ay kapighatian. 
Ang mga bao't pinapangulila, 
ang mga bilanggong nagsisipagdusa; 
dalanginin namang kanilang makita 
ang kalayaan mong, ikagiginhawa. 
At kung an madilim na gabing mapanglaw 
ay lumaganap na doon sa libinga't 
tanging mga patay ang nangaglalamay, 
huwag bagabagin ang katahimikan. 
Ang kanyang hiwagay huwag gambalain; 
kaipala'y maringig doon ang taginting, 
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw, 
ako, Bayan yao't kita'y aawitin. 
Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat 
at wala ng kurus at batang mabakas, 
bayaang linangin ng taong masipag, 
lupa'y asarolin at kauyang ikalat. 
At mga buto ko ay bago matunaw 
maowi sa wala at kusang maparam, 
alabok ng iyong latag ay bayaang 
siya ang babalang doo'y makipisan. 
Kung magka gayon na'y aalintanahin 
na ako sa limot iyong ihabilin 
pagka't himpapawid at ang panganorin 
mga lansangan mo'y aking lilibutin. 
Matining na tunog ako sa dingig mo, 
ilaw, mga kulay, masamyong pabango, 
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo, 
pag asang dalisay ng pananalig ko. 
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, 
Katagalugang ko pinakaliliyag, 
dinggin mo ang aking pagpapahimakas; 
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. 
Ako'y patutungo sa walang busabos, 
walang umiinis at berdugong hayop; 
pananalig doo'y di nakasasalot, 
si Bathala lamang dooy haring lubos. 
Paalam, magulang at mga kapatid 
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib 
mga kaibigan bata pang maliit 
sa aking tahanan di na masisilip. 
Pag pasasalamat at napahinga rin, 
paalam estranherang kasuyo ko't aliw, 
paalam sa inyo, mga ginigiliw; 
mamatay ay siyang pagkakagupiling! 
-Sa salin ni Andres Bonifacio- 


Matapos ang pagbitay kay Rizal, napilitan ding tumakas mula Cavite sina Josephine Bracken at magkapatid na Trinidad at Paciano Rizal, tumawid ng bunduking Maragondon papuntang Laguna de Bay gayung duguan na ang mga paa ng nakayapak na Josephine. Tinulungan silang makapuslit sa Manila ni Venancio Cueto, isang pinuno ng Katipunan, at naisakay si Josephine sa isang barko papuntang Hongkong. Duon namalagi ang biyuda ni Rizal hanggang Deciembre 15, 1898, nang napangasawa niya ang isang Pilipinong nagkakalakal, si Vicente Abad. Bumalik ang mag-asawa sa Manila, kasama ang anak nila, si Dolores. Nagturo ng English si Josephine, at isa sa mga naturuan niya ang binatang taga-Cebu, si Sergio Osmena, bayani ng Pilipinas nuong panahon ng Amerikano. Tahimik na yumao si Josephine, ang dayuhang giliw ni Rizal, nuong Marso 15, 1902, ng tuberculosis sa lalamunan. Nalibing siya sa Happy Valley cemetery sa Hongkong. Lumaki at nakapag-asawa si Dolores at nag-iwan ng mga anak na apelyido ay Mina. Gaya ng ama, si Vicente Abad, ipinilit niya hanggang sa kahuli-hulihan, na anak siya ni Abad, hindi ni Rizal.
“One life is all we have and we live it as we believe in living it. But to sacrifice what you are and to live without belief, that is a fate more terrible than dying.”- Joan D’Arc

ANINO

Paciano is also known to be the shadow of Rizal, a supportive older brother who shoulder his parents responsibility in providing Rizal a good education. He provided the needs of Jose especially when he went to Spain and even comforted their parents especially their mother in Jose’s departure. Paciano is the one who planted the seed of patriotism to Jose because at a young age he witnessed a various injustices that our fellow men experience from Spanish colonizer.

"I learned all I have told you not from my Lolo Paciano but from the people who were close to him; from the stories told to us by aunts, uncles and lolas,"

These words from Mr.Lopez, He added:

"But the one thing I cannot forget is the one which an English author wrote in a book about Dr. Jose Rizal. In the closing chapter of his book, he wrote:

"Dr. Jose Rizal is now buried peacefully and serenely in luneta park. But beside his monument, there is a shadow lingers. And as Dr. Jose Rizal faced death, there was a shadow that was cast. That shadow was Paciano." I cannot forget that.


end
1:oo AM
Gloomy Saturday Midnight
all the thoughts







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento